Filtered By: Showbiz
Showbiz
Marian at Dingdong, nakilala ng Cambodian fans dahil sa Dyesebel
Hindi inasahan ng real-life sweetheart na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na may makakakilala sa kanila nang magbakasyon sila sa Cambodia nitong nakaraang Holy Week break. Sa Star Bites ng GMA News TV Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ni Marian na napagkasunduan nila ni Dingdong na ibahin ang kanilang bakasyon nitong Semana Santa. Sa halip nang nakagawiang pamimili at pagsa-shopping, napili nilang pumunta sa Cambodia. Namangha at humanga raw ang Kapuso primetime queen sa kultura ng nasabing bansa. Hindi rin daw nila inasahan na may makakakilala sa kanila doon. Paglapag pa lang daw nila sa airport ay dinumog na sila ng mga Cambodian fans. Ang dahilan, kasalukuyan pa lang ipinalalabas doon ang dating Kapuso series na Dyesebel na pinagbidahan nilang dalawa. -- FRJ, GMA News
Tags: marianrivera, dingdongdantes
More Videos
Most Popular