ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jillian Ward at Mona Louise Ray, tampok sa primetime soap na ‘Luna Blanca’


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa unang pagkakataon, magtatambal ang ang child sensations na sina Mona Louise Ray at Jillian Ward sa "Luna Blanca," isa na namang primetime soap mula sa GMA Network.  Gaganap bilang Luna si Jillian at si Mona naman bilang Blanca.
 
Bagamt unang beses palang nagkatrabaho ang dalawa, naging malapit na sila sa isa’t-isa.
 
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago para Chika Minute ng 24 Oras, umaasa raw ang dalawa na mas maging malapit na magkaibigan pa sila.
 
 
Dagdag pa ni Jillian, gusto nilang galingan pa ang kanilang acting at maging parang totoong buhay lang iyong gagawin nila para sa naturang palabas.
 
Nais rin ng dalawa na maging masaya  silang lahat sa set.
 
Gayunpaman, dahil parehong sikat ang dalawang child stars, hindi maiiwasang ikumpara ng kanilang fans ang dalawa sa kanilang pag-acting.
 
Ngunit ayon kay Jillian, hindi naman ito kailangang pag-awayan ng mga fan, bagkus kailangan lang na magka-team silang lahat.
 
Ayon naman kay Mona, puwede namang sabihin na magaling silang lahat at hindi na kailangan ikumpara ang dalawa.
 
Maliban dito, parehong nag-aaral ang dalawa. Grade 1 si Jillian samantalang nasa Grade 3 na si Mona.
 
Ayon kay Jillian, dahil magkaibigan na sila ni Mona, magpapaturo raw siya rito sa kanyang mga subject. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News