ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ilang celebrities, nagpahayag ng saloobin sa away nina Raymart Santiago at Mon Tulfo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patuloy pa ring pinag-uuspaan ang naging away sa pagitan ng aktor na si Raymart Santiago at kolumnistang si Mon Tulfo noong Linggo sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA 3).
Katatapos lamang magbakasyon nina Raymart at Claudine Barretto kasama ang pamilya't mga kaibigan nito sa Boracay nang magreklamo si Claudine ukol sa naiwang bagahe nito Caticlan. Si Tulfo nama'y galing sa Davao. Nagkagulo nang kinuhanan ng litrato ni Tulfo si Barretto habang sinesermonan umano ng huli ang isang staff ng Cebu Pacific at si Tulfo nama'y sinita umano ni Raymart.
Dahil dito, nagkaroon ng iba’t-ibang mga pahayag ang ilang celebrities sa kani-kanilang accounts sa Twitter, isang social networking site.
Samantala, hindi naman sineryoso ng iba ang naging away ni Raymart at ni Mon Tulfo.
Ang DJ namang si Mo Twister, inugnay ang away sa kasalukuyang problema naman ng aktres na si Andi Eigenman sa kanyang ex-boyfriend na si Albie Casiño.
Bagamat nagkaroon ng iba’t-ibang mga saloobin ukol sa isyu, mayroon namang nagkumento sa pagkilos ng isang artista bilang isang public figure.
Umaasa rin naman ang ibang mga kilalang personalidad na maayos na ang kasalukuyang problema nina Raymart at Mon.
Naniniwala rin naman ang iilang mga kilalang personalidad na ang paglabas ng NAIA3 ng kanilang CCTV ang makakaresolba sa problemang ito. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular