ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Katrina Halili, masaya sa binibigay na suporta ni Kris Lawrence sa kanyang pagbubuntis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Tatlong buwan na lang at manganganak na ang Kapuso aktres na si Katrina Halili. Masaya naman ito dahil puspusan ang suporta at pagmamahal na binibigay ng kanyang boyfriend na si Kris Lawrence.
 
Ayon sa aktres, “Sobrang supportive naman ‘yon and halos everyday nandoon naman sila sa bahay.” Si Kris ang ama ng dinadalang bata ni Katrina.
 
Sa katunayan, sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Miyerkules, isinulat ni Kris ang awiting ‘You Make Me Whole’ para sa kanilang magiging anak.
 
Busy naman si Kris ngayon sa kanyang career dahil kasalukuyan nitong tinatapos ang kanyang album.
 
Gayunpaman, napagdesisyunan na nina Katrina at Kris na Kaytrence ang ipapangalan nila sa kanilang magiging baby girl.
 
 
Maliban dito, titigil din muna si Katrina sa pagtatrabaho hanggang sa makapanganak siya.
 
Aniya, “Sa bahay na lang po muna ako at hindi naman po muna ako pwedeng tumanggap ng project kasi palaki nang palaki na siya.”
 
Hindi na rin makapupunta ang aktres sa kanyang probinsiya sa Palawan dahil hindi na raw ito pinapayagang magbiyahe ng kanyang doktor.
 
Gayundin, mananatili nalang si Katrina at hihintayin ang kanyang panganganak.
sa Manila.
 
Bukod pa rito, bagama’t nagdadalang tao siya ngayon, hindi pa rin daw nito pinapabayaan ang kanyang katawan.
 
Wika pa ng aktres, “Inaalagaan ko ‘yong timbang ko, ayaw ko masyadong bumigat. Pero siyempre, lotion di ba? Puro fruits, water, tapos maaga ako natutulog.”
 
Tapos na rin ang taping ng Kapuso actress sa soap opera nila nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na ‘My Beloved.’
 
Ayon pa kay Katrina, kailangan tutukan ng mga manonood kung ano ang mangyayari sa kanyang karakter sa huling linggo ng naturang soap.
 
“Talaga bang matigas ‘yong puso niya at sukdulan ang kanyang paghihiganti? Tignan natin. Maraming mga twist na mangyayari sa story naming,” pahayag ni Katrina. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News