ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dolphy, isinugod muli sa ospital; kinabitan ng respirator para tulungan sa paghinga


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinumpirma ng isang anak ni Dolphy na nakaratay muli sa ospital ang tinaguriang King of Comedy matapos siyang isugod doon nitong Sabado dahil sa pneumonia. Sa GMA News 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Jeffrey Quizon na kinabitan ng respirator ang kanyang ama para matulungan ito sa paghinga. Maayos naman daw ang kalagayan ng komedyante na magdiriwang ng kanyang ika-84 kaarawan sa susunod na buwan. Sa mga social networking site, dumagsa ang mga katanungan sa kondisyon ni Dolphy at mga panalangin para sa agad niyang paggaling. Nagpasalamat naman ang pamilya ni Dolphy sa mga nagdarasal sa kanyang mabilis na paggaling. Ilang linggo pa lang ang nakararaan nang ibalita ng kanyang life partner na si Zsa Zsa Padilla na nakauwi na sa kanilang bahay si Dolphy mula sa pagamutan. Kasabay nito, naka-post sa Twitter account ni Zsa Zsa ang pahayag ni Eric Quizon, anak ni Dolphy, tungkol sa kalagayan ng kanyang ama. “My Dad was sent to the hospital last Saturday because of pneumonia. This made him weak because of his COPD (chronic obstructive pulmonary disease). They had to attach a respirator in order to help him breathe," ayon kay Eric. “Currently, his vitals are all in order and he is responding to treatment very well. However, he is still under close observation and round the clock intensive care to make sure he recovers well. On behalf of our family, thank you for your love and prayers," dagdag pa ng actor-director. -- FRJ, GMA News

Tags: dolphy