ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dolphy, kritikal pa rin ngunit stable, ayon sa kanyang doktor


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bumubuti na ang kalagayan at ang vital signs ni Rodolfo 'Dolphy' Quizon pagkatapos nito sumailalim ng tracheostomy (operasyon sa lalamunan) nitong Sabado ng gabi sa Makati Medical Center.
 
Gayunman, kritikal ngunit stable pa rin ang kondisyon nito ayon sa press conference ng kanyang doctor nitong Hunyo 25, 2012.
 
"After the tracheostomy, Mr. Quizon showed significant improvement. His vital organs are functioning well. All other improvements reported before will remain the same," ayon kay Dr. Eric Nubla.
 
Gayundin, muling sumasailalim ang Comedy King sa blood transfusion at pagkatapos ay magpapatuloy ang kanyang dialysis ayon sa doktor.
 
Ayon din sa ulat ng News TV Quick Response Team, nakakaranas din ng hematoma o pagkakaroon ng mga pasa ang Comedy King dulot ng kanyang mababang platelet count. 
 
"He has low platelet count that's related to cutting factors. It manifests in the skin," pahayag ng doktor ni Dolphy.
 
Bukod dito, inaalam at kinikilala muna ng pamilya Quizon ang mga taong nais pumunta upang bisitahin ang kanilang Comedy King.
 
Sa ngayon, umaaasa pa rin ang pamilya Quizon na ipagpapatuloy lang ng mga mamamayan ang pagdarasal para sa agaran na paggaling ng Hari ng Komedya na si Dolphy. — Mac Macapendeg/DVM/KG, GMA News
Tags: dolphy