ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sam Pinto at iba pang nasa sexiest list ng isang magazine, rumampa sa 'Victory Party'
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pinangunahan ng Kapuso star na si Sam Pinto ang pagrampa kasama ang iba pang itinanghal na 100 Sexiest Pinays ng isang men’s magazine sa idinaos na 2012 Victory Party nitong Huwebes ng gabi. Bukod kay Sam na idineklarang No.1 Sexiest Pinay ngayong taon ng FHM, rumampa rin ang iba pang Kapuso stars na sina Elen Adarna at Jackie Rice. Mistulang nag-showdown naman sa pagrampa ang magkapatid na sina Michelle at Era Madrigal, ayon sa ulat ng Chika Minute nitong Biyernes. Nandoon din ang mga “hot mama" na sina Diana Zubiri, Aubrey Miles at LJ Reyes. Nakaupo sa nakabiting duyan si Sam nang mag-grand entrance sa naturang party. Ito na ang ikalawang sunod na taon na naging number 1 sexiest Pinay si Sam. - FRJ, GMA News
Tags: sampinto, fhmsexiestwomen
More Videos
Most Popular