ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso stars, nakisaya sa Kadayawan Festival sa Davao City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakiisa ang mga Kapuso star sa pinakaabangang Kadayawan Festival sa Davao City. Bahagi ng nasabing kapistahan ang pagpapakita ng iba’t ibang kultura ng mga tribu sa lalawigan. Iniulat ni GMA-Davao reporter Marlon Palma Gil sa Balita Pilipinas Ngayon, na isang buwan tumatagal ang selebrasyon ng kapistahan na inaabangan ng mga lokal at dayuhang turista. Kasama sa atraksyon ng kapistahan ang Paligsahan sa Sayawan na nilalahukan ng iba’t ibang tribu. Dito ay ipinapakita nila ang iba’t ibang kultura ng mga Davaoeño. Bilang pakikiisa sa kapistahan, nakibahagi rin ang ilang Kapuso stars na pinangunahan ng mga bida sa GMA movie na Just One Summer. Sa kanilang promo tour na ginanap sa Brgy. Talomo covered court, hinandugan ng awitin nina Elmo Magalona, Julie Anne San Jose, Steven Silva, Lexi Fernandez, at Sef Cadayona ang mga Davaoeño. Unang bugso pa lang ito ng kasiyahan na magaganap sa isang buwang selebrasyon ng Kadayawan festival. Isa rin sa mga inaabangan ay ang makulay at enggrandeng float parade kung saan kasama ang float ng GMA-Davao. – FRJ, GMA News