ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Contis, bukas ang isip na maayos ang problema nila ni Lian Paz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi isinasara ni Paolo Contis ang posibilidad na maaayos nila ng kanyang misis na si Lian Paz kung anuman ang problemang pinagdadaanan ngayon ng kanilang pagsasama. Bagaman tumangging magbigay ng komento si Paolo tungkol sa pag-amin ng kanyang misis na si Lian – dating miyembro ng EB Babe dancers ng Eat Bulaga – na makikipaghiway na sa kanya ang mister, sinabi ng aktor na mabuting may trabaho siya sa labas ng bansa upang magkaroon ng panahon na makapag-isip. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ni Paolo na lahat naman (ng problema) ay pwedeng ayusin. Kasama si Paolo ng grupo ng Manny Many Prizes na pinangungunahan ni Pinoy boxing icon at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na lumipad patungong Amerika para magtanghal sa Hollywood. Sa hiwalay na panayam sa showbiz talkhow na Startalk TX nitong Sabado, nangako si Paolo na magsasalita siya pagbalik niya sa bansa. Paalala ni Lian Sa hiwalay na panayam ni Startalk host Butch Francisco, naging emosyunal naman si Lian nang ikuwento ang pinagdadanan ngayon ng kanilang pagsasama ni Paolo. Halos tatlong taon na ring nagsasama ang dalawa na nagbunga ng dalawang anak na babae. Bagaman wala umanong third party na sangkot sa kanilang problema, hinihinala ni Lian na may kinalaman ang usapin ng pera o ang gastos sa kanilang bahay at ang kawalan ng panahon sa isa’t isa. At kahit naging mabuti at maasikaso silang magulang sa kanilang mga anak, tila naging routine na umano sa kanila ang lahat at napabayaan na ang isa’t isa. Idinahilan din umano ni Paolo na ang gagawin nilang paghihiwalay ay para na rin sa kanya, dagdag pa ni Lian. Sa kanilang pag-uusap, ipinaalala umano ni Lian kay Paolo na huwag kalimutan kung saan nagsimula ang kanilang pagmamahalan at kung bakit nila pinili ang isa’t isa na pakasalan. (Basahin: Paolo Contis, Lian Paz affair: Against all odds?) Ayon kay Lian, ikinasal na sila ni Paolo sa huwes nang mabuntis siya at mayroon din silang plano na magpakasal sa simbahan. Mensahe niya sa aktor, mahal na mahal niya ito at bilang misis ay nakahanda siyang tulungan ito kung mayroon man pinagdadaanang problema. - FRJimenez, GMA News