ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'American Idol' concert, dinagsa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Gaya ng inaasahan, sold-out ang ticket sa American Idol World Tour concert nitong Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. Maaga pa lang ay ilang fans nang may dugong Pinoy at AI runner-up na si Jessica Sanchez ang nasa Araneta. Ilang celebrities rin ang nanood ng concert kabilang ang aktres na si Say Alonzo. Masayang-masaya ito dahil personal daw siyang binigyan ng ng tickets ni Jessica. Kwento niya sa GMA News Online, kumain sa restaurant nila si Jessica kasama ang ina nito. Nalaman sa kanyang mommy na wala pa siyang tiket kaya nagpadala ito ng tiket para sa kanya at nakuha niya nitong Biyernes ng umaga. Sobrang paborito raw ni Say si Jessica dahil sa pagiging Pinoy nito at husay sa pagkanta. "She's so good, she's so talented, talagang alam mong aral. Sobrang ganda ng bitaw ng words, ‘yong voice quality. Frustration ko ‘yon, eh. Yung maging ganung kagaling na singer," ayon kay Say. Sa panahon ng AI season 11 contest, sinabi ni Say na solid ang boto kay Jessica ng kanyang pamilya na naninirahan sa Amerika. Very humble din umano si Jessica dahil pinaunlakan nito ang hiling ng kanyang ina na kantahin ang awiting “Dance with my father." Samantala, masaya rin sa panonood ng concert ang aktor na si Bodie Cruz. Aniya: "Maganda yong mga song choices nila, lahat crowd pleasers, very entertaining talaga." Ilan sa mga performances na AI finalists ay "What Makes You Beautiful" ng One Direction, "Party Rock Anthem" ng LMFAO, "Moves Like Jagger" ng Maroon 5, at "Green Light" ni John Legend. Ayon kay Bodie, mas maganda ang boses mga AI singers ngayong marinig niya na kumanta ang mga ito ng live. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News