ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Zac Efron, nag-enjoy sa kanyang Mayon adventure


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tila napatunayan ng Hollywood actor na si Zac Efron na totoo ang tourism slogan na “Its more fun in the Philippines" nang i-post nito sa kanyang Twitter account ang larawan niya nang libutin ang Mayon volcano sakay ng isang ATV o all terrain vehicle. Sa ulat ng GMA News TV’s Balitanghali nitong Sabado, sinabing mukhang nag-enjoy si Zac sa kanyang adventure sa paligid ng Mayon at makikita ito sa kanyang litrato sa kanyang Twitter account. Bukod dito, bumati pa ang aktor ng “mabuhay" sa kanyang mga fan at nagpasalamat. “Hey guys! Z here. Rode up the lava flow of Mayon Volcano today. Wishing you the best from the Philippines," pagbati ni Zac sa kanyang post sa Twitter. Dagdag pa niya: "Mabuhay! Stoked for the @PENSHOPPE fan con tomorrow! Excited to see you guys. Salamat! #PENSHOPPEFanCon2012." Gaganapin ngayong Sabado sa SM Mall of Asia Arena ang Penshoppe Fan Conference, na dahilan ng kanyang pagbisita sa Pilipinas. Sa mga naunang pahayag, sinabi ni Zac na nais niyang makarating sa Pilipinas dahil madalas dito ang kanyang ama at marami itong magagandang kwento. Nais din umano niyang matikman ang ilang pagkain Pinoy maging ang balut. Nang dumating sa bansa nitong Miyerkules, tumuloy agad si Zac sa Bicol para magpahinga at mapasyalan ang Mayon. Kahit namamasyal sa Mayon, game pa rin naman na nagpakuha ng larawan si Zac sa nakikitang tagahanga. - FRJimenez, GMA News

Tags: efron, zacefron