Joey de Leon, sinurpresa ni Willie Revillame sa bakuran ng GMA-7
Sa pambihirang pagkakataon, pumasyal sa bakuran ng GMA 7 ang television host na si Willie Revillame para batiin sa kanyang kaarawan ang tinaguriang âHenyo Master" at entertainment guru na si Joey De Leon. Ginawa ni Willie ang personal na pagbati kay Joey sa showbiz talk show na Startalk TX nitong Sabado. Kasama ni Joey bilang host ng programa sina Lolit Solis, Ricky Lo at Butch Francisco. Mismong si Joey ang nagpakilala kay Willie na tinawag niyang kaibigan at little brother. âBihira lang mangyari ito at akoây natutuwa na napadaaan ka," pahayag ni Joey sa Kapatid star na si Willie. âGanda pala," pahayag ni Willie matapos tumingin sa studio ng Startalk. "Sayang hindi nagkatuluyan," natatawang hirit pa niya na tila patungkol sa hindi natuloy na napabalitang merger ng GMA 7 at TV5. Inihayag din ni Joey ang malaking paghanga niya kay Willie na umasenso sa buhay matapos ang mga pinagdaanang hirap. âSa kasaysayan ng ibang artista yung dinaanan mo ibang klase, hindi naging supot yung paputok mo⦠sumabog talaga âto. Pero dumaan sa kahirapan âtong taong ito, pati mga hindi nakaintindihan, nakaaway, nakakumpetensiya pero bilib ako sa'yo pare," ayon kay Joey. Inalala naman ni Willie ang ilang pelikula na pinagsamahan nila ni Joey nang nagsisimula pa lang siya sa showbiz. âAlam niyo kasi nung akoây medyo nagsisimula sa pelikula with (Direk) Tony Reyes, dalawang Barbie movie and Sam and Miguel, kinuha nila ko wala pa kong pera noon⦠hanggang ngayon wala pa rin kaya lumalapit akong muli," biro ni Willie. Tinatawanan na rin lang ng dalawa ang naging iringin nila noon sa telebisyon. âInaway mo âko. Sabi mo nanonood ako eh: âdito walang dayaan ha eto kamay ko.â Sinabi niya âyon?," kwento ni Willie tungkol sa naging pagtira sa kanya ni Joey sa kontrobersiyal na paggamit niya noon ng roleta sa dati niyang show. âTingnan mo nangyari nawala ako dunâ¦away ka kasi ng away sa akin," patuloy na biro ni Willie kay Joey. Ngayon, sinabi ni Willie na ang purpose ng kanilang mga programa gaya ng Eat Bulaga! ay makatulong sa mga tao. - FRJimenez, GMA News