ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso singer Kyla, tatlong buwan nang buntis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlong buwan nang nagdadalang tao ang Kapuso singer na si Kyla sa panganay nila ng kanyang asawang basketball player na si Rich Alvarez.   Ito ay ikinumpirma ng mag-asawa sa Party Pilipinas kahapon. Kwento pa nila, malaki raw ang naitulong ng kanilang nakalipas na dalawang buwang bakasyon sa Europe kung saan nagsimba sila sa Italy at ipinagdasal na magkaroon ng baby. Ayon sa ulat ni Luane Dy sa Balitanghali nitong Lunes, umaasa ang mag-asawa ng kambal na panganay. Wala naman daw pinaglilihian si Kyla sa kasalukuyan ngunit napapadalas daw ang kanyang pagduduwal at pagka-antok. Maliban dito, kinakantahan at kinakausap rin nito ang kanilang panganay gabi-gabi. — Mac Macapendeg/KBK, GMA News