ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Carmina Villaroel at Zoren Legaspi, ikinasal na
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Matapos ang ilang taong pagsasama, ikinasal na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa Fernbrooks sa Alabang, Muntinlupa nitong Huwebes. Sa ulat ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras, sinabing mayroong ding partisipasyon sa kasal ang kambal na anak nina Carmina at Zoren. Taong 2002 nang pawalang-bisa ng korte ang naunang kasal ni Carmina kay Rustom Padilla, na kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari. Kabilang sa mga celebrity na dumalo sa kasal ang magkapatid na Gelli at Janice de Belen na mga matalik na kaibigan ni Carmina. --FRJ, GMA News
Tags: carminavillaroel, zorenlegaspi
More Videos
Most Popular