ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ilang Kapuso stars, kinilala sa 25th Aliw Awards
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Muling kinilala ang galing ng ilang kilalang personalidad at Kapuso stars sa ginanap na 25th Aliw Awards sa Manila Hotel noong Lunes.
Ayon sa ulat ni Pia Guanio sa Chika Minute ng 24Oras noong Miyerkules, isa si Eugene Domingo sa pinarangalan bilang Best Stage Actress sa isang non-musical na produksyon sa kanyang papel sa stage show na "Bona."
Binigyan din nga parangal bilang Best Stage Actor sa isang non-musical na produksyon ang katambal ni Uge sa "Bona" na si former Mr. Pogi Edgar Allan Guzman.
Gayundin, ang host ng GMA News TV show na "Best Men" na si RJ Ledesma ay ginawaran naman bilang Best Emcee.
Si Alon Severino naman, ang anak ng GMA news anchor Howie Severino, ay pinarangalan bilang Best Child Performer para sa kanyang papel sa stage play na "Totong Hilot."
Ang Kapuso singer naman na si Jay-R ay nag-uwi na dalawang parangal bilang Best Vocal Arrangement sa kantang "O Holy Night" at Best Dance Recording para sa awiting "Connection" kasama sina Chelo A. at Q-York.
Ginawaran naman ng Dangal ng Musikang Pilipino Award ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez- Alcasid kung saan ang asawa nitong si Ogie Alcasid ang tumanggap ng parangal.
Sina Kuh Ledesma, Gary Granada, ang grupong Eraserheads, at ang yumaong si Dolphy ay nakatanggap din ng nasabing parangal.
Sa naturang event, may special citation sina Ronnie Rickets at Ambassador James Dy mula sa Philippine Association of the Record Industry (PARI).
Maliban dito, may special citation din ang singer-songwriter na si Jose Mari Chan. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: aliwawards, 25thaliwawards
More Videos
Most Popular