ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Jillian Ward, sa bagong bahay magdiriwang ng Pasko


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Masaya ang bagong Kapuso child wonder na si Jillian Ward dahil natupad ang kanyang Chritsmas wish — sa bago nilang pinagawang bahay kasi sila magdiriwang ng Pasko.
 
"Doon na po kami magpa-Pasko. Tapos po magbi-birthday pa po ako sa February," wika ng batang aktres sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras noong Lunes.
 
Maliban dito, dahil pitong taong gulang na si Jillian, gusto niyang siya na mismo ang mag-aayos ng kanyang kwarto sa bago nilang tirahan.
 
 
Aniya, "Yong mga Hello Kitty ko po, ilalagay ko po sa kama. Yong parang diba po, ito yong pillow tapos yan yung kama, yun pong mga Hello Kitty nandoon po sa [ibabaw] ng mga pillows."
 
Samantala, nagpapasalamat rin ang batang aktres na mapabilang sa Metro Manila Film Festival entry na "si Enteng, si Agimat, at si Ako" dahil mapapanood daw siya ng mga bata ngayong darating na Pasko.
 
Ano naman kaya ang papel ni Jillian dito?
 
Kwento pa nito, "Ako po, sa world po ako. Ako po sa side ni Senator Bong. Dati po kasi nong first Agimat po kasama po ako doon. Niligtas niya po ako tapos naging sa world niya na po ako. Sa Amuleto po kami, yon po ang world namin."
 
Makakasama niya rito sina Senator Bong Revilla na itunuturing siyang lucky charm, Vic Sotto, at Judy Ann Santos. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
Tags: jillianward