Pasko ni Bianca King, 'di raw magiging malamig kahit break na sila ni Dennis Trillo
Tila nakatulong ng malaki sa Kapuso actress na si Bianca King ang latest movie niya na Sosy Problems para mabilis na maka-recover sa paghihiwalay nila ni Dennis Trillo. Sa ulat ni showbiz reporter Nelson Canlas sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, makikita ang magandang samahan ng cast ng comedy movie na Sosy Problems na binubuo nina Solenn Heussaff, Heart Evangelista, Rhian Ramos at Bianca. Panay ang biruan ng apat na nagpapakita kung gaano na sila kakomportable at ka-close sa isa't isa. Katunayan, nang kamustahin si Bianca matapos ang breakup nila ni Dennis, panay din ang sagot nina Solenn, Heart at Rhian. Kahit dumaan sa breakup, hindi raw ito nakaapekto sa kanya habang ginagawa ang nabanggit na comedy movie na gawa ng GMA Films. Parati naman daw kasing nakaalalay sa kanya ang tatlong kaibigang aktres. Tumanggi si Bianca na magdetalye tungkol sa hiwalayan nila ni Dennis. Nakatuon daw ang kanyang atensiyon sa Sosy Problems na kabilang sa mga pelikulang ipalalabas sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre. Tiniyak din ni Bianca na hindi magiging malamig ang kanyang Pasko sa kabila ng recent breakup dahil nandiyan naman daw ang kanyang mga kaibigan. âAll of them, lahat sila," patungkol ni Bianca kina Heart, Solenn at Rhian. âTapos lahat ng iba ko pang kaibigan kailangan kong tanggapin ang kanilang mga imbitasyon (sa Pasko). So iisa-isahin ko 'yon." - FRJimenez, GMA News