ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ang wish ni Ryzza Mae Dizon sa kanyang unang Pasko bilang artista


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa kanyang murang edad, batid na ng bagong child wonder na si Ryzza Mae Dizon ang kahalagahan ng buong pamilya. Kaya naman ngayong Pasko, tanging hangad daw niya ay may mapagsaluhan silang pamilya at makapanood ng sine. Sa panayam ni Kara David kay Ryzza sa News To Go nitong Huwebes, ipinagtapat ng Eat Bulaga Little Miss Philippines 2012, na magkakasama sila ng kanyang pamilya noong Pasko ng 2011 pero wala silang handa. Ngunit kahit wala daw silang handa, ang importante umano ay buo ang kanilang pamilya. Pero ngayon artista na siya, makatikim na sila ng handang pancit, spaghetti at tinapay ngayong Pasko. Pero ang wish talaga niyang handa sa Pasko: "Gusto ko pong maghanda ng lechon, yung kasing laki ko po, yung lechon de leche." Labis-labis ang pasasalamat ni Gng Rizza sa kanyang anak na nagpupursige na mabigyan sila ng maganda buhay. Ngayon umano ay nag-iipon sila mula sa kinikita ng bata sa pag-aartista para makabili ng bahay. Si Ryzza Mae, umaasang masusundan pa ang Pasko niya bilang artista. "Salamat din po ng malaki kasi binigyan ng pagkakataon na maging artista ako at maabot ko po ang mga pangarap ko," ayon sa bata. - FRJImenez, GMA News