Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards, proud na nakasama sa epic-fantaseryeng Indio


Itinuturing ni Alden Richards na malaking achievement sa kanyang career ang gumanap na binatang si Senator Bong Revilla Jr., sa biggest epic-fantaserye ng GMA -7 ngayong taon na Indio. “Kahit sandali lang po yung role ko, nabigyan ako ng chance na ma-portray ko po yung role ni Sen Bong as young Indio...and para sa akin, malaking achivement na po iyon," pahayag ng binata sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Makakapareha rin sa unang pagkakataon ni Alden sa Indio ang magandang Kapuso tween star na si Bea Binene. Aminado naman si Alden na may kissing scene sila ni Bea sa serye pero inalalayan naman daw niya ang dalaga. "May isang eksena po kaming ginawa na kailangan naming maghalikan, so sabi ko, 'Be ako na lang ang bahala sa'yo," kwento niya. Mula sa costume at set, talagang pinag-isipan at ginastusan ang Indio na tatalakay sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Hindi rin matatawaran ang mga artistang kasama sa serye na kinabibilangan nina Michael de Mesa, Jackie Lou Blanco, Agot Isidro, Jomari Yllana, Jennylyn Mercado, at marami pang iba. Mapapanood ang Indio simula sa Enero 14, pagkatapos ng 24 Oras. - FRJimenez, GMA News
LOADING CONTENT