ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bea Binene, hanga sa pagiging propesyunal ni Alden Richards


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Puring-puri ng Kapuso tween star na si Bea Binene ang bago niyang katambal na si Alden Richards dahil sa ipinakita umanong propesyunalismo ng aktor sa taping ng bago nilang proyekto na Indio. "Si Alden sobrang professional niya. Sobrang trabaho, as in iniisip niya bawat ang eksena. Sobrang naiinis siya minsan 'pagka kaming dalawa, hindi kami magjive, naiinis siya doon," kuwento ni Bea sabay sabing masayang kasama si Alden. Si Alden ang gaganap na binatang Sen. Bong Revilla Jr sa GMA-7 epec-series na Indio na mapapanood simula sa Lunes ng gabi. Samantala, si Bea naman ang gaganap na batang Maxene Magalona para sa karakter ni Rosa, isa sa mga iibigan ni Indio o ni Malaya. Bukod kay Maxene, leading lady rito ni Sen Bong si Jennylyn Mercado at Rhian Ramos. Sa special screening ng Indio na ginanap sa SM Megamall kamakailan, ikinuwento ni Bea na nasurpresa siya nang malaman niya na si Alden ang kanyang makakatambal. "I got surprised because I didn't know that he is going to be my partner. But okay naman since we're very good friends. Nakasama ko na siya sa Tween Academy tapos sa Party P[ilipinas] nagkakasama kami, we're very good friends," pahayag ng magandang dalaga.  Dagdag pa niya, "'Yon nga lang nakakapanibago because dito lang kami nagkasama sa TV na as in eksena, na kilig kilig 'yong eksena. Tapos heavy 'yong mga eksena. So nakakapanibago. Pero its okay, it's an honor to be part of the show." Inihayag din ni Bea na maganda ang pasok ng bagong taon para sa kanya dahil bukod sa mga acting projects ay pinagpaplanuhan na rin niya ang kanyang pangalawang studio album. - M.Macapendeg/FRJ, GMA News
Tags: beabinene, indio