ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gloria Romero, naging emosyonal nang mapanood ang mga eksena sa 'Forever'


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Hindi napigilan ng kinikilalang Queen of Movies noong 1950s na si Gloria Romero ang mapaluha nang makita niya ang mga eksena sa pinagbibihang palabas na "Forever" sa isang press conference na idinaos kamakailan.
 
Wika pa ng beteranang aktres, "Mamayang konti, tumutulo na yong luha ko kasi ang portrayal ni Heart at saka si Geoff Eigenmann napaka-sincere. At saka lalo na yong nilagyan na ng music. Oh my gosh, tumatayo yong balahibo ko talaga. Beautiful!"
 
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng 24 Oras noong Lunes, napabilib daw si Gloria sa magandang script ng nasabing palabas.
 
Kaya naman, nagpapasalamat ito dahil ibinigay sa kanya ng Kapuso Network ang papel ng tumandang Adora.
 
Aniya, "It's a beautiful love story. I'm so grateful and thankful sa GMA-7 for giving me another beautiful, beautiful teleserye."
 
 
Ang "Forever" ay tungkol sa walang hanggang pag-iibigan nina Adora at Ramon, mga bidang karakter na ginagampanan nina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann, na nabuhay noong dekada 50.
 
Sinubok ang kanilang pagmamahalan ng ipinagbawal ng mga magulang ni Adora ang pagmamahal niya kay Ramon. 
 
Maliban dito, namatay si Ramon dahil din sa kanilang pagmamahalan.
 
Sa mga nagdaang panahon, muling nabuhay si Ramon sa katauhan ni Patrick, isang pintor, habang tumanda naman si Adora, papel na ginagampanan ni Gloria Romero.
 
Muling nagkita ang dalawa at mula noon ay muling bumalik ang nararamdaman ni Adora para kay Ramon.
 
Gayundin, magbabalik si Adora sa kanyang kabataan sa pamamagitan ng isang orasang ibigay sa kanya noong pumanaw si Ramon.
 
Napapanood ang "Forever" tuwing Lunes hanggang Biyernes bago ang 24 Oras. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News