Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mag-amang Vic at Oyo Boy Sotto, magsasama sa bagong sitcom ng GMA-7


Magsasama ang mag-amang Vic at Oyo Boy Sotto sa bagong sitcom sa GMA-7 na Vampire Ang Daddy Ko. Pero sa halip na si Vic, si Oyo Boy ang gaganap na tatay sa nasabing proyekto. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Vic na excited siya sa naturang sitcom na magsisilbing comeback project niya sa Kapuso Network matapos ang sitcom na Daddy Di Do Du. Magiging kakaiba ang tambalan ng mag-amang Vic at Oyo Boy dahil si Oyo Boy ang gaganap na hindi tumatandang daddy ni Vic sa sitcom. Isang bampira ang magiging karakter ni Oyo Boy sa sitcom. Makakasama ng mag-amang Vic at Oyo sina Pilita Corrales, Bea Binene, Jimmy Santos, Anjo Yllana, Glaiza de Castro at ang child star na si Ryzza Mae Dizon. - FRJimenez, GMA News

Tags: vicsotto
LOADING CONTENT