ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ai-Ai delas Alas, hindi magpapahuli sa concert kasama si Psy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi raw magpapahuli sa pagbibigay ng saya ang binansagang Comedy Concert Queen ng bansa na si Ai-Ai delas Alas sa kanyang back- to-back concert kasama ang Korean pop superstar na si Psy ngayong Pebrero 16 sa Mall of Asia Arena. "Siyempre hindi naman tayo papahuli doon sa international para naman wala silang masabi na, 'Ah in fairness sa Pinoy, mahusay din naman pala, kung sino man yon,'" biro ni Ai-Ai sa idinaos na press conference sa Sir Boy's Food Republique nitong Martes. Samantala, si Ai-Ai na lang at ang comedy duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola ang natitirang special guests sa concert ng KPop superstar. Makakasama dapat para sa concert noong Disyembre 2012 sina Ate Gay, Chocolate, Pooh, Pokwang, at Anne Curtis. Ayon naman kay Joed Serrano ng That's Ntertainment, producer ng palabas, "Since na-change yong date ng ilang beses, so, plus yon nga yong management company ng grupo [ni Psy] nagde-decide naman kung sino [isasama]. And nagkataon na hindi na pwede yong ibang guest on February 16." Dagdag pa nito, "And they were able to come up with a back-to-back, actually back-to-back ito with Comedy Concert Queen and si Psy which nag-jive naman." Samantala, ikinuwento naman ng aktres na kinilala na siya ng pamunuhan ni Psy bago pa man ito naaprubahan bilang guest. Kwento pa ng aktres, "Gi-noogle nila ako. I think yong management nila is kailangan ng i-approve bago ka maging guest." Maliban dito, nagpapasalamat naman ang Comedy Concert Queen dahil kasama siya sa palabas ni Psy. Aniya, "Thank you naman kasi parang ibang experience at least kumbaga, kahit ano pang sabihin natin, nakasama ko siya. Parang feeling ko ako si Madonna, doon siya nag-guest, diba? Kay Madonna, kay Obama, kay Ellen DeGeneres." "Ngayon nakakatuwang nasa Philippines, parang ako naman yong makakasama niya rito, makakasama ko siya," dagdag nito. Plano sa araw ng mga puso "May rehearsal ako sa Valentine's," sagot ni Ai-Ai nang tanungin siya kung ano ang plano niya kasama ang kasintahang si Jes Salang sa Araw ng Mga Puso Dagdag pa nito, "Working ako sa Valentine's. Every year naman, nagwo-work ako talaga kasi noong mga panahon na yon, wala ako, eh. Single ako so, dinadaan ko na lang sa work. Nakasanayan ko na." Gayunpaman, kung pagbibigyan ng pagkakataon, gugustuhin daw niyang ipagdiwang ito sa paraan ng isang romantic dinner habang may tumutugtog ng violin. Ai-Ai at Jed Kitang-kita ang sigla sa aktres ngayong masaya siya piling ng kanyang kasintahan. Aniya, "Hindi kasi ngayon, since nong like last year na nagkasakit din ako na muntik na akong mategibels [mamatay], marami akong realization na na talagang life is short. Gusto ko naman i-enjoy yong buhay ko with somebody." Dagdag pa nito, "And then, diba, kung mawala man at least I tried my best na i-work out kung ano man yong meron kami, i-enjoy naming dalawa. Ganon lang naman ang buhay, diba? I-enjoy natin, marami kasi akong natutunan na hindi lahat work, work, work. Hindi lahat pera pera. May mga bagay sa buhay natin na marami tayong blessing na hindi kailangan pera." Kaya naman raw masaya siya sa blessing natanggap niya. "Marami tayong blessings sa paligid natin na hindi natin namamalayan na blessing pala siya. So lang titingin tayo sa paligid natin happiness na pala yon. Masyado na tayong malayo yong tingin natin na nandito lang pala yong ligaya, bakit tayo hahanap pa ng iba," batid ni Ai-Ai. — BM, GMA News