ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alessandra de Rossi, napapayag sa kissing scene sa kanyang bagong pelikula


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa isang pambihirang pagkakataon, napapayag ang Kapuso actress na si Alessandra de Rossi na magkaroon ng kissing scene para sa kanyang bagong pelikula. Kwento ng aktres, pumayag siya dahil hindi naman daw malaswa ang dating ng naturang eksena. Sa ulat ng Star Bites ng Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing kasama ni Alessandra sa naturang pelikula si Cesar Montano. Napag-alaman na ang pagkakaroon kissing scenes ang isa sa mga naging pamantayan ng aktres kung tatanggapin o hindi ang isang proyekto. Isa nga raw ang mga halikan sa Temptation of Wife ang dahilan kaya hindi tinanggap ni Alessandra ang papel na Heidi na ginagampanan ngayon ni Glaiza de Castro. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News