ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dating Starstruck Avenger na si Stef Prescott, tatlong buwang buntis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlong buwan nang nagdadalang-tao ang Starstruck Avenger na si Stef Prescott sa anak nila ng kanyang modelo at negosyanteng boyfriend. Ayon sa ulat ng Kape at Balita nitong Martes, sinabing magtutungo sa Amerika ang aktres para dumalo sa kasal ng kapatid ng kanyang nobyo. Posibleng doon na rin umano idaraos ang kanilang civil wedding ng kanyang nobyo at saka magpapakasal sa simbahan dito sa Pilipinas. Bukod sa Starstruck, nakasama rin sa Stef sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown at Hiram na Puso. -- Mac Macapendeg/FRJ, GMA News