ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera, in two-piece bikini sa cover photo ng isang lifestyle magazine


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang napiling cover girl ng isang lifestyle magazine para sa kanilang March issue na akma ngayong papasok na summer season. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, inihayag ni Marian ang kasiyahan sa muling pagkakapili sa kanya bilang cover girl ng Cosmopolitan na ikaapat na niya. Sa website ng CosmoTV, puring-puri ng mga nasa likod ng magazine si Marian, na bukod sa madali umanong katrabaho ay akmang-akma ang kaseksihan sa kanilang March-bikini issue. Nitong nakaraang buwan si Marian din ang napiling cover photo ng FHM magazine para sa kanilang ika-150th special issue.- FRJ, GMA News

Tags: marianrivera