ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Zsa Zsa Padilla, naging emosyonal sa pagtanggap ng parangal para kay Dolphy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi napigilan ni Zsa Zsa Padilla na maiyak nang tanggapin ang parangal na ipinagkaloob sa pumanaw na Comedy King na si Dolphy na Gawad CCP 2012 Para Sa Sining. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing naging emosyonal ang Divine Diva nang mapanood ang dating interview kay Dolphy na tila nagpapasalamat sa ibinigay na pagkilala sa kanya ng CCP. Bukod kay Dolphy, ang iba pang pinarangalan ng Gawad CCP Para sa Sining ay sina Zeneida Amador for Theater; Cirilo F. Bautista for Literature; Brenda V. Fajardo for Visual Arts; Agnes D. Locsin for Dance; Ramon P. Santos for Music; at Florentino H. Hornedo for Cultural Research. Kasama ni Zsa Zsa na tumanggap ng pagkilala para kay Dolphy ay ang mga anak ng hari ng komedya na sina Vandolph, Epi at Eric Quezon. Ilalagay umano ang ibinigay na medalya ng CCP sa pinaplanong museo para kay Dolphy kung saan makikita ang mga mahahalagang memorabilya ng pumanaw na batikang komedyante. - FRJ, GMA News