ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Death anniversary ni Francis M., ginunita ng kanyang pamilya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sama-samang dumalo sa isang misa ang miyembro ng pamilya Magalona para gunitain ang ika-apat na taong kamatayan ng Master Rapper na si Francis Magalona. Apat na taon na ang nakalilipas nang pumanaw si Francis dahil sa sakit na leukemia. Ayon sa misis ni Francis na si Pia, tanggap na niya ang pagkawala ng asawa pero normal umano na hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya. Humuhugot umano siya ng lakas sa kanyang mga anak. Sinabi naman ni Maxene na marami silang natutunang magkakapatid sa buhay mula nang mawala ang kanilang ama. At kahit wala na, ramdam pa rin nila na kasama nila ang kanilang ama kaya nananatili silang matatag. Ikinuwento naman ni Elmo na lalo siyang naging relihiyo dahil sa kanyang ama. - FRJ, GMA News