ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sen. Bong Revilla, matagal nang gusto makatrabaho si Aljur Abrenica


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matagal na raw gustong makatrabaho ni Senator Bong Revilla Jr. ang Kapuso leading man na si Aljur Abrenica na makakasama na rin sa epic-fantaserye na Indio. Ayon kay Sen. Bong sa ulat ni Audrey Carampel sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Lunes, dalawang pagkakataon nang naunsiyami ang pagsasama sana nila ni Aljur sa proyekto. "Actually tatlong attempt na kami, eh. Hindi matuluy-tuloy. Ah, Panday, Agimat, tapos dito. So ito yong pangatlo, nakuha na finally," kwento ng actor-politician. Magkakatrabaho ang dalawa sa kauna-unahang teleserye ni Sen. Bong sa telebisyon na Indio. Masaya naman si Aljur ngayong nabigyan siya ng proyekto kasama ang senador. "Masaya at ito na 'yong tamang timing para sa'kin. Yun ang tinitingnan ko," aniya. Samantala, sa unang raw pa lamang daw ng taping para sa palabas ay sumabak na si Aljur sa fight scene kasama si Sen. Bong. "Magkakasagupa kami dito ni Sen. [Bong], eh. Dahil napadaan siya sa aming banua, teritoryo namin. Siyempre bilang isang Datu ng aming banua, sinisigurado ko 'yong kaligtasan namin ng mga kasamahan ko," kwento ni Aljur. Gaganap si Aljur bilang si Datu Bahandi, isang pinuno ng banua kung saan mapapadpad si Indio sa kanyang muling pagkabuhay. "Isa siya sa mga katutubo na unang makakalaban natin. At 'yong mga dating panahon, hantayin niyo. Taping pa lang madugo na, kaya abangan niyo 'yan," saad ni Sen. Bong. Napapanood ang Indio tuwing Lunes hanggang Linggo sa GMA Telebabad. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Tags: indio,