Filtered By: Showbiz
Showbiz

Comedy concert nina Jose at Wally sa Big Dome, naging matagumpay


Muling napuno nina Jose Manalo at Wally Bayola ang Smart Araneta Coliseum sa kanilang comedy concert nitong Biyernes ng gabi. Sa mga hindi nakapunta sa concert, maaari naman itong mapanood sa GMA-7. Gaya ng inaasahan, umapaw sa kantahan, sayawan at halakhakan ang pagtatanghal ng dalawa, kasama ang kanilang mga guest na kinabibilangan nina Vic Sotto, Dingdong Dantes, Ogie Alcasid at Ryzza Mae Dizon. Kahit bulilit, hindi pagpatalo sa pagpapatawa si Ryzza Mae na nagpakitang gilis din sa kanyang signature dance na "Cha-cha" na pinasikat niya sa Eat Bulaga. Labis naman ang pasasalamat nina Jose at Wally sa mga taong nanonood ng kanilang concert. "Masayahin lang talaga ang mga Pilipino para magpunta sila rito, at sila na rin ang pumuno sa Araneta," pahayag ni Jose sa ulat ni Nelson Canlas sa GMA news Saksi. "Mga tao, mga Filipino talaga mahilig sa kasiyahan, katuwaan at siyempre sahod...suweldo kasi," natatawang pahayag ni Wally. Mapapanood ang comedy concert nina Jose at Wally sa Sunday Night Box Office sa GMA-7 sa Abril. -- FRJ, GMA News

LOADING CONTENT