Filtered By: Showbiz
Showbiz

Child wonder na si Ryzza Mae Dizon, may talk show na rin


Mapapanood na simula sa Lunes, April 8, sa kaniyang sariling talk show ang Eat Bulaga dabarkads na si Ryzza Mae Dizon. Sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, masayang inimbitahan ni Ryzza ang Kapuso na manood ng kanyang The Ryzza Mae Show!!! "Yung mga bagong hayop, pagkain, lugar, kahit ano po basta may kuwento aalamin ko po. Marami po kayong matutunan...magkukwentuhan po tayo, magkukulitan," anang pinakabatang talk show host. Ipinakita pa ni Ryzza ang kanyang mic na kulang pink na gagamitin niya sa show na regalo umano sa kanya ni Vic Sotto. Full support din kay Ryzza sa kanyang bagong project ang kanyang mga dabarkads sa Eat Bulaga na hanga sa kasipagan ng bata. Ayon kay Ryzza, naiiyak siya sa sobrang tuwa dahil natutupad na ang kaniyang mga pangarap. -- FRJimenez, GMA News