Alamin ang laman ng bag ng ilan sa mga paboritong Kapuso actress
Sa isang episode ng Fashbook ng GMA News TV nitong Miyerkules, inalam ng host na si Solenn Heussaff ang laman ng bag ng ilang Kapuso actress. Isang multipurpose bucket bag ang dala-dala ng tween star na si Bea Binene. Sa loob nito, naroon ang kanyang eye glasses, headset, at freshness kit na may lamang sterillium, mouthwash, mouth spray, at perfume. Mayroon ding flash light sa loob ng bag ni Bea bilang first aid. "Kasi mostly 'di ba, kapag minsan sa taping umaabot ng gabi tapos yung location namin sa mga gubat,, mapu-puno, minsan madilim, kaya lagi akong may dalang flash light," paliwanag niya. Sa maliit na Louis Vuitton bag ni Barbie Forteza, naroon ang kanyang cellphone charger, cellphone, at lipstick. Si Louise delos Reyes, walang dalang make-up sa bag pero hindi raw nawawala ang kanyang headset. "Kasi mahilig talaga akong makinig sa music and kapag nanonood ako ng movies, ito ginagamit ko," sambit ng aktres. Hindi man branded ang kanyang pink bag ng teen drama star, memorable naman daw ito para sa kanya dahil bigay ito ng kanyang ina. Laman din ng bag ni Louise ang kanyang sun glasses, reading glasses, Hello Kitty mirror, contact lens, eyedrops, lip care, at breath drops. Samantala, isang Louis Vuitton sling bag ang laging dala ni Jenny Miller, at may koleksiyon siya ng mga pera sa mga bansang pinuntahan niya na nakalagay sa kanyang wallet. Kasama sa mga nakolekta ni Jenny ay ang pera ng Hong Kong, Singapore, at UAE bilang pampa-suwerte. Sa loob ng kanyang bag, naroon ang kanyang kikay kit na may lamang makeup at rosary. Sa loob naman ng Balenciaga bag ng bagong Kapuso actress na si Lauren Young, naroon ang essentials ang kanyang wallet, cheek and lip tint, face powder, at isang Victoria Secret Pink perfume. "We're working all day tapos dapat nakabilad kami sa araw. Tapos wala na kaming time para maligo ulit, sobrang kadiri pero totoo 'yon," pag-amin nito. Ang Unforgettable star na si Kylie Padilla, Celine bag ang gamit ay laman nito kanyang pa-cute eyelasses, wallet, cellphone, pabango, at makeup (mascara, lipstick, at concealer.) Mayroon ding Muslim praying beads si Kylie sa loob ng kanyang bag. Napapanood ang Fashbook tuwing Miyerkules sa GMA News TV. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News