ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kylie Padilla, sumabak sa kanyang kauna-unahang rape scene


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inamin ni Kylie Padilla na maraming naglaro sa kanyang isip bago niya ginawa ang kanyang kauna-unahang rape scene para sa hit Kapuso afternoon soap na "Unforgettable." Iniulat sa Star Bites ng Balitanghali nitong Miyerkules, na ang Kapuso hunk na si Polo Ravales ang ka-eksena ni Kylie sa naturang rape scene. Hindi raw biro ang eksena pero pinagbutihan ito ni Kylie alang-alang sa kanyang karakter sa programa.  Nakatulong daw sa aktres na buo ang tiwala niya sa direktor ng programa na si Gina Alajar at maging sa kanyang co-star na si Polo. "Before mag-take sabi ko, ' ok lang ba to?' Kasi iniisip ko po baka may makita, o baka isipin ng tao na baka malaswa, ganun," kwento niya. Sa kabila ng kanyang mga pangamba, maayos naman daw ang kinalabasan ng naturang eksena. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News