ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mystica at 23-year-old niyang mister, umaasang wala nang maninira sa kanilang relasyon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ikasal nitong nakaraang Lunes, inihayag nina Mystica at mister niyang si Edwin Nuas na matitigil na ang intriga sa kanilang relasyon. Malaki kasi ang agwat ng edad nina Mystica, 45-anyos (Ruby Rose Villanueva sa tunay na buhay) at ni Edwin, 23, na isang indie actor. Sa isang ulat ng "Star Bites" ng Balitanghali nitong Martes, sinabi ni Mystica na malayo na narating ng relasyon nila ni Edwin at wala na umanong makapaghihiwalay sa kanilang dalawa. Hindi na raw nila iniisip ang agwat ng kanilang edad at ang sasabihin ng ibang tao dahil ang mahalaga ay nagmamahalan sila. "Hindi naman po 'yan sa edad binabase, kumbaga kung talagang nagmamahalan kayo di ba," ayon kay Edwin. Biglaan din umano ang desisyon nila na magpakasal na ginanap sa isang hotel sa Quezon City kung saan dumalo ang kani-kanilang mga magulang. - FRJ, GMA News  

Tags: mystica, wedding