advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Claudine Barretto, nagpasalamat sa mga nagdarasal at nagmamahal sa kanya


Ipinaabot ng aktres na si Claudine Barretto ang pasasalamat sa mga nagdarasal, sumusuporta at nagmamahal sa kanya kaugnay sa panibagong pagsubok na kinakaharap ng kaniyang pamilya. Sa ulat ni Nelson Canlas sa "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabi nito na emosyunal si Claudine nang makausap niya sa telepono. Bagaman tumanggi muna itong magpa-interview tungkol sa panibagong sigalot nila ng kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto, nagpadala naman ito ng pahayag na nagsasaad na sasagutin niya ang lahat sa tamang panahon. "Haharapin ko at sasagutin ko ang lahat ng mga iyan sa  tamang oras. I am praying for more strength dahil kailangan ko ring protektahan ang mga anak ko lalo na sa pinagdadanan namin ngayon. Marami pong salamat sa lahat po ng dasal, suporta at pagmamahal," ayon sa aktres. Nitong Martes, iniulat ni Startalk host Ricky Lo sa kanyang Funfare column sa The Philippine STAR  may titulong "Mom Inday to Gretchen: You are a liar," na ipinagtanggol ni Gng. Inday Barretto ang anak na si Claudine at pinatutsadahan naman si Gretchen. Inamin din ni Gng. Barretto sa nasabing kolum na hindi na muna nagsasama sa iisang bubong sina Claudine at Raymart Santiago. Gayunman, umaasa siyang pansamantala lang ang paghihiwalay ng mag-asawa. Basahin: Mrs. Inday Barretto defends Claudine; calls Gretchen 'a liar' -- report Basahin: Pag-amin ni Raymart Santiago: 'Hindi rin naman tayo perpektong tao' Sa ulat ni Nelson, sinabi nito na tumanggi muna si Gng. Barretto na magpaunlak ng panayam, habang hindi naman sinasagot ni Raymart ang mga tawag sa telepono. Maging ang namamahala umano sa career ni Gretchen ay nagpasabi na hindi na muna magpapainterview ang aktres tungkol sa isyu. - FRJimenez, GMA News
LOADING CONTENT