2 pang beauty queen, nakipag-break na rin sa kani-kanilang boyfriend
Tila nagkasunod-sunod ang pakikipag-break ng magkakaibigang beauty queens sa kani-kanilang nobyo. Matapos ang paghihiwalay nina Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon at Jaypee Santos, dalawa pang beauty queen ang napag-alaman na nakipagkalas na rin sa kani-kanilang nobyo. Sa PEP Alert ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Huwebes, iniulat na break na sina Miss Universe 4th runner-up Venus Raj at Andrei Felix. Basahin: Venus Raj defends fellow beauty queen Gwendoline Ruais from criticisms Mahigit isang taon ding tumagal ang relasyon ng dalawa na inakala ng marami ay mauuwi na kasalanan. Bagaman wala pang detalye tungkol sa dahilan ng hiwalayan, kinumpirma ni Venus sa kanyang Twitter account ang kanilang paghihiwalay ni Andrei. Samantala, sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, kinumpirma naman ni Mark Bautista na tapos na rin ang relasyon nila ni Miss World 2011 first runner-up Gwendoline Ruais. Basahin: Janine Tugonon, ipinagtanggol ng kanyang ex-bf sa isyu ng kanilang breakup Hindi rin nagbigay ng detalye si Mark sa dahilan ng kanilang breakup pero nakapag-move on na raw siya. "Malungkot din...buti na lang marami akong ginagawa nbgayon. Kasi kung anuman yung pinagdaanan ko sa personal na buhay ko, talagang naibuhos ko sa lahat ng mga projects na ginagawa ko," paliwanag ni Mark. Abala ngayon si Mark sa kanyang stage play, recording album at gagawing concert. Noong nakaraang buwan, pinag-usapan ang paghihiwalay nina Janine at Jaypee , dahil nadawit ang pangalan ng lead singer ng bandang 'The Script' na si Danny O'Donoghue. - FRJimenez, GMA News