ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Janna Dominguez at Mickey Ablan, may wish para kay Iwa Moto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hangad nina Janna Dominguez at Mickey Ablan ang kaligayan ni Iwa Moto na nagdadalang-tao ngayon sa piling ng bagong nobyo na si Pampi Lacson. Sa showbiz talkshow na Startalk nitong Sabado, inihayag din nina Janna at Mickey na umaasa silang magpapatuloy na ang katahimikan sa kanila at magiging maayos na ang lahat. Basahin: StarStruck alumna Iwa Moto, umaming ikinasal na Matapos na mabinyagan ang anak nilang si Caely, naitanong kina Janna at Mickey kung kasal na kaya ang isusunod ng dalawa. Ngunit magiging balakid dito ang kasal noon ni Mickey kay Iwa na dati niyang nobya. Pero pagtiyak ni Mickey, "malapit na may mga inaayos basta malapit na." Nais umano niyang maayos na ang tungkol sa kasal upang lubos na silang maging malaya. Basahin: Janna Dominguez willing to settle issue with Iwa Moto at the right time Ngunit kung si Janna ang tatanungin, may higit na mas mahalaga kaysa sa kasal. "Seremonya lang yun e, gets mo? Sa papel lang naman 'yan e. Pero yung importante yung kayo, 'di mo kailangan yung papel para mapatibay na mahal niyo yung isa't isa," paliwanag ni Janna. Dahil buntis ngayon si Iwa sa baby nila ni Pampi, umaasa ang dalawa na magpapatuloy na ang kaligayahan ng dating Starstruck alumna. Basahin: Iwa Moto three months pregnant with Pampi Lacson's baby "Kung masaya na talaga siya wala na tapos na. Saka okey na naman siya so wala nang reason para gumulo pa uli," ani Janna. Dagdag pa ni Janna, ngayong magiging ina na rin si Iwa, mararamdaman na rin umano ng aktres ang kanyang mga napagdaanan habang nagbubuntis at magbabago na ang pananaw kapag naging ganap nang isang ina. -- FRJimenez, GMA News