Filtered By: Showbiz
Showbiz

Gov. Vilma, tiyak na ang panalo sa Batangas; Boyet de Leon, malayong pangatlo sa pagka-kongresista


Tiyak na sa kanyang ika-tatlong termino bilang gobernador ng Batangas ang tinaguriang "Star for All Seasons" na si Vilma Santos-Recto. Samantala, naghahabol naman sa boto ang aktor na si Christopher "Boyet" De Leon, na tumakbong kongresista sa lalawigan.   Batay sa partial at unofficial result ng Commission on Elections, nakatanggap na ng 575,754 boto si Vilma, laban sa 36,424 boto na nakamit ng pumapangalang si Marcos Mandanas Sr.   Ang naturang bilang ng mga boto ay kumakatawan sa  66%  ng Batangas Election Returns.   Halos tiyak na rin ang panalo ni re-electionist vice governor Mark Leviste na may 520,786 boto, laban sa 62,925 boto ng pumapangalang si Rommel Arguelles.   Samantala, malaki naman ang hinahabol na boto ni Christopher de Leon sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito ng Batangas laban sa kanyang mga katunggali.   Batay sa bilang ng mga boto, nasa ikatlong puwesto lamang si Christopher na may 25,075 boto. Kontra ito sa 71,256 boto na nakamit ng nangungunang si Raneo Abu, habang ang pumapangalawang si Godofredo Berberabe ay mayroong 68,927 boto. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News
Tags: eleksyon2013
LOADING CONTENT