ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mga alagad ng sining na sina Cenon Lagman, Daisy Avellana, at Dante Perez, pumanaw na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlong alagad ng sining magkakasunod na pumanaw -- sina Cenon Lagman, na tinaguriang "Prinsipe ng Kundiman"; ang National Artist for Theater na si Daisy Avellana; at ang visual artist at filmmaker na si Dante Perez. Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, sinabing na-stroke nitong Sabado ang 77-anyos na si Lagman at tuluyang binawian ng buhay noong Linggo. Nakatakda namang i-cremate ang kanyang mga labi nitong Martes. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamilya ni Lagman sa lahat ng nakiramay sa kanila. Unang nakilala si Lagman nang manalo sa sikat na singing contest noong 1959 na “Tawag ng Tanghalan.” Daisy Avellana, 96 Samantala, pumanaw din ang National Artist for Theater na si Daisy Avellana sa edad na 96. Sinabi sa ulat na si Avellana ang isa sa mga nagsulong upang maitatag ang grupo ng mga performing artist sa bansa at mai-professionalized ang treatrong Filipino. Dante Perez, 57 Nitong Martes ay sumakabilang buhay din ang visual artist at filmmaker na si Dante Perez sa edad na 57. Isinugod sa ospital si Perez matapos atakihin sa puso nitong Martes ng umaga hanggang sa tuluyan na siyang bawian ng buhay. -- FRJ, GMA News