GMA Network clarifies old 'Bubble Gang' rape gag video
Nagbigay ng paglilinaw ang GMA Network tungkol sa ikinakalat sa Internet na lumang episode ng award-winning comedy show na "Bubble Gang" na mayroong "rape joke" segment.
Sa opisyal na pahayag nitong Biyernes, nilinaw ng Kapuso station na hindi na muling gumawa ng katulad na pagpapatawa ang "Bubble Gang" nang mayroong viewer na tumawag sa atensiyon ng produksyon tungkol sa nasabing episode.
Kaagad ding humingi ng paumanhin ang produksyon ng gag show sa taong tumawag at ginawa na ring patakaran mula noon na hindi na gagamitin muli sa pagpapatawa ang nasabing paksa.
Narito ang buong pahayag ng GMA Network:
“Video clips of GMA Network’s Entertainment Program 'Bubble Gang' have been circulating in the past few days showing old gags about rape.
We would like to clarify that these were aired years ago and similar gags have not been repeated.
In fact, a concerned viewer called the attention of the Network regarding this and the production team of Bubble Gang apologized to her right away and has made it a policy never to tackle the said topic again."
--- FRJ, GMA News
Ang GMA News Online ay ang official news website ng GMA Network