ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

 Arrest warrant, inilabas ng korte laban sa aktres na si Sarah Lahbati


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagpalabas ng warrant of arrest ng Makati court laban sa aktres na si Sarah Lahbati kaugnay ng kinakaharap niyang kasong libelo. Sa ulat ng GMA news 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabi na ang libel case ay isinampa noong Enero ni GMA Films president  Atty. Annette Gozon-Abrogar. Ang reklamo ay bunga ng mga mapanirang mensahe umano na inilagay ni Lahbati sa kanyang Twitter account laban kay Abrogar. Sinabi ng abogado ni Abrogar na si Atty. Gener Asuncion,  na May 20 pa inilabas ng korte ang naturang arrest warrant. Pero hindi maihain kay Sarah ang arrest warrant dahil nasa ibang bansa ngayon ang aktres. Basahin: Annabelle Rama, sinabing nakaalis na ng bansa si Sarah Lahbati Maisisilbi lang ang arrest warrant sa sandaling bumalik si Sarah sa bansa, dagdag pa ni Asuncion. Pinayuhan din ng abogado ang aktres na harapin ang kaso sa bansa at iprisinta ang kanyang mga katibayan. Patuloy pang sinisikap ng GMA News na makuha ang panig ng aktres kaugnay nito. -- FRJ, GMA News   Ang GMA News Online ay ang official news website ng GMA Network

Tags: sarahlahbati,