Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cast ng 'Maghihintay Pa Rin,' inaalay ang palabas sa mga OFW


Inaalay ng cast ng bagong GMA Afternoon Prime na "Maghihintay Pa Rin," na pinagbibidahan nina Bianca King, Rafael Rosell, at Dion Ignacio, ang kanilang palabas para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Ayon kay Bianca, ang bida ng palabas, madali raw siyang nakaugnay sa kanyang karakter at alam niyang maraming OFW ang magiging attached din sa kanyang ginagampanan.

"Una't-una pa lang sobrang attached na ako sa character ko at saka sa story na 'to kasi alam ko na 'yong mga fans, 'yong mga Pinoy Abroad, maraming matutuwa talaga. Maraming makaka-connect," pahayag ni Bianca sa ulat ni Cata Tibayan sa Chika Minute ng "24 Oras" noong Lunes.

Kasama sa bumubuo ng palabas sina Ayen Munji-Laurel, Tanya Gomez, JC Tiuseco, Diva Montelaba, Julie Lee, Lou Sison, JM Reyes, Daniella Amable, at Sachi Manahan.

Gayundin, may ilang eksena namang kukunan sa Singapore kaya naman marami pa raw aabangan ang mga manonood.



Lola's girl

Samantala, bagamat mayroon pinagkaka-abalahang proyekto si Bianca, inamin naman nitong patuloy siya nagpapakatatag sa mga pinagdadaanang pagsubok sa kanyang personal na buhay.

Kamakailan kasi ay na-diagnose ang kanyang 80-anyos na Lola ng stage four colorectal cancer at bukod pa rito ay kagagaling naman ng ama nito sa isang quadruple bypass surgery.

Ani Bianca, "I'm a lola's girl kasi so, ano siya... Actually medyo mas mabigat iyon para sa amin, 'yung nangyari sa lola ko.

Sa ngayon, pinagkukunan ng Kapuso actress ng lakas ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at ang bago nitongg inspirasyon— ang kanyang nonshowbiz date.

"I'm not naman single by choice. Yeah, meron [dating]... I wore my heartbreak proud on my shoulder. Somebody did a favor by setting me free." - Mac Macapendeg, VVP, GMA News

Tags: biancaking