ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
DSWD, nag-alok ng tulong kay Daiana Menezes kung nakararanas ito ng pang-aabuso
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Daiana Menezes Photo from Lady Grace Intimates
Iniulat ni Isay Reyes sa Chika Minute ng GMA News' 24 Oras nitong Martes ang mga nakaraang serye ng Twitter post ni Daiana sa kanyang account na patungkol sa mga karahasan laban sa mga kababaihan.
Nakatawag din ng pansin ang isang larawan na inilagay ni Daiana kung saan makikita ang isang braso na may mga sugat at pasa.
Kasunod nito ang isang comment ni Daiana sa isa pang post na nagsasabing, "Thank you po Lord I'm still alive."
Enough said. instagram.com/p/aV2N-zxdSG/
— daiana menezes (@daianamenezes_) June 9, 2013
Mayroon din siyang inilagay na screen shot ng isang sulat na nagsasaad na hindi na niya kayang manahimik sa kabila ng pagdududa ng iba sa kanyang pinagdadaanan.
Sa naturang mensahe, humingi siya ng paumanhin na hindi niya maibibigay ang detalye tungkol sa usapin. At kahit pa umano may makakapagpatunay sa kanyang pinagdadaanan, malamang daw ay nabayaran na ang mga ito para manahimik.
Dahil sa mga post na ito ni Daiana, nagpahayag ng pag-aalala ang ilan niyang tagahanga na nais malaman ang tunay niyang kalagayan.
@daianamenezes_ @dswdserves is ready to help. Let us know 9317916 / 9318068. Details will be helpful so we can immdtely act on it. #NoToVAW
— Dinky Soliman (@dinkysunflower) June 11, 2013
Maging ang pinuno ng DSWD ay nag-alok din ng tulong kay Daiana kung ano man ang problemang kinakaharap nito.
Sa Twitter post ni DSWD Sec. Dinky Soliman, hinikayat niya ang model-actress na sumangguni at huwag mag-atubiling lumapit sa ahensiya na handa umanong tumulong sa kanya.
Nag-iwan din ng mga numero ng telepono si Soliman na pwedeng tawagan ni Daiana.
Sinabi pa sa ulat na isa pang opisyal ng DSWD na hindi tinukoy ang nagsabing handa silang tumugon agad sakaling nakararanas pa rin siya ng pang-aabuso.-- FRJimenez, GMA News
More Videos
Most Popular