ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sexiest Pinay na si Sam Pinto, rarampa sa FHM event sa Thailand


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasa Thailand ngayon ang Kapuso actress na si Sam Pinto upang makisaya at rumampa sa international event ng For Him Magazine (FHM).  Kasama niya rito ang kanyang sexiest counterparts sa iba't ibang bansa sa Asya.   Si Sam ang itinanghal na FHM Philippines' Sexiest Woman of the World sa taong 2011 at 2012.   Kwento ng aktres bago ito lumipad patungong Thailand sa Unang Balita, siya lamang umano ang katangi-tanging Filipina na inimbitahan sa naturang event.   Bukod pa rito, kasama rin si Sam sa isang car show doon at pagkatapos ng event ay posibleng magbakasyon pa ito ng isang araw sa Thailand.   Nakatakda naman siyang bumalik sa bansa sa Lunes para sa iba pang commitments. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

Tags: fhm, sampinto