ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Glaiza de Castro, naging ka-double ng sikat na aktres nang nagsisimula pa lamang sa showbiz


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sa darating na Sabado, tatalakayin ni Mel Tiangco sa Magpakailanman ang buhay ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro na nagsimulang ekstra sa showbiz bago maging isa sa mga pinakasikat na artista ngayon. Mahaba ang tinahak na daan at hindi naging madali para kay Glaiza upang maaabot ang tinatamasa niya ngayong kasikatan. Sa Magpakailanman Presents: The Glaiza De Castro Story, ilalahad niya kung anu-ano ang mga pinagdaanan niya nang nagsisimula pa lamang sa showbiz. Sa kanyang pagiging ekstra, naging ka-double pa siya noon ni Angel Locsin sa isang proyekto. Ano ang kwentong nagtutulak kay Glaiza para maging mabuting aktres, at mabuting tao? Anu-ano ang mga pinaghuhugutan niya sa buhay? Malalaman ang lahat ng iyan sa Sabado, June 22, sa Magpakailanman, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko. -- GMA Network.com