ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Mga anak ni Benjie Paras, plano rin bang pasukin ang showbiz?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Lubos ang suportang nakukuha nina Andre, 17-taong gulang, at Kobe Paras, 15-taong gulang, sa kanilang ama na si Benjie Paras, dating PBA star at kilalang komedyante.
Sa katunayan, plano ng dalawa na sundan ang yapak ng kanilang ama sa larangan ng basketball. Kasama si Andre ngayon sa UP Fighting Maroons, na dating kinabilangan ni Benjie habang parte naman si Kobe ng varsity ng La Salle–Greenhills.
Ayon pa kay Andre sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng 24Oras noong Lunes, "Ever since we were kids po we've been watching our dad play basketball in the PBA."
Kwento naman ni Kobe, "He supports us a lot guring games and he tells us what to do during practice."
Gayundin, bukod sa basketball, nagpapakita na rin ng interes ang panganay nito sa showbiz. Lumabas na ito sa pilot episode ng Sunday All Stars noong Hunyo 16 sa segment ng "Tweet Hearts" kung saan ipinasikat nito ang kanyang galing sa rapping.
"I want to be a director po. If not, maybe in front of the camera. I just wanna make people happy, that's all," pahayag ni Andre.
Samantala, hindi tulad ng kanyang kuya, tutok naman si Kobe sa basketball at sa kanyang pag-aaral at hindi pa nito naiisip na pumasok sa showbiz.
Aniya, "Ang hilig ko talaga basketball. Maybe after basketball I can join showbiz but for now, I'm focused on my studies and basketball."
Jackie Forster
Umupo kamakailan bilang guest ang magkapatid sa hot seat ng StarTalk TX. Dito ay tinanong ng host na si Lolit Solis ang tungkol sa inang nilang Jackie Forster.
Ipinaramdam ng dating aktres sa kanyang Twitter at sa mga naunang balita ang kagustuhan nitong makita ang dalawang anak. Nasa Amerika na ngayon naninirahan si Jackie.
Ayon naman kay Andre sa panayam ng StarTalk TX, "Na-traumatize po kami as of now we just want space kasi I took us a long time to move on."
Gayundin, sa ilang Tweets ni Jackie kamakailan, bagamat hindi pa nito napapanood ang naturang guesting ng mga anak, nagbigay naman ang dating aktres ito ng kumento sa mga naging pahayag ng anak.
I wake up &people telling me abt my sons on Startalk. I haven't seen it, I may not watch it. What for? I.am.not.surprised
— jackie forster (@jackie_forster) June 22, 2013
It's sad to see people STiLL using my kids to make me look bad and hurt me. Thinking of that Filipino term kung ano yung Puno yun ang Bunga?
— jackie forster (@jackie_forster) June 22, 2013
— Mac Macapaendeg/RSJ, GMA NewsI am working on my answer.. so I will need help retweeting in a week or so. Help mommies,ladies &men who believe in respecting your mother.
— jackie forster (@jackie_forster) June 22, 2013
Tags: benjieparas
More Videos
Most Popular