advertisement
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards: The next top Kapuso leading man


Mapalad ang 21-anyos na si Alden Richards dahil kahit dalawang taon pa lang siya sa GMA Network ay itinuturing na siyang "Primetime Prince." Hinuhubog din siya bilang isa sa mga susunod na top Kapuso leading man.   Mula nang mapanood bilang si Joma sa Kapuso afternoon series na "Alakdana" noong 2011, naging sunod-sunod na ang mga proyekto at maging ang kasikatan ni Alden.   Matapos ang "Alakdana," muling bumida si Alden bilang si Tisoy sa "One True Love" (2012), at ngayon naman ay si Jerome sa "Mundo Mo'y Akin," na pawang top-rating programs.   Bukod pa diyan ang mga pelikulang nagawa na niya tulad ng "Sossy Problems", "Si Agimat, Si Enteng at Ako", "Ang Panday 2", "The Road," at  "Tween Academy: Class of 2012."   Idagdag pa diyan ang mga pagkilala at parangalan na natanggap ni Alden tulad ng Outstanding Breakthrough Performance by an Actor  mula sa Golden Screen TV Awards; German Moreno Youth Achievement Awardee mula sa FAMAS;  Best New Actor mula sa Golden Screen Awards; Amazing Male Newcomer ng 1st Yahoo OMG Awards; Top Fashion Forward Celeb (Male)  ng MEG Top Choice Awards, at iba pang mga nominasyon.   Sa nakaraang "Live Chat" para sa cast ng "Mundo Mo'y Akin," nakausap ng GMA News Online si Alden.  Ikinuwento niya dito ang mahahalagang bagay na kanyang natutunan sa pakikipagtrabaho sa mga beterano na sa industriya.   Ayon sa aktor, humihingi siya ng payo sa mga beteranong aktor na itinatanim niya sa kanyang isip para magsilbing gabay niya sa kanyang trabaho.   "When I'm working with pioneer stars, mga senior, I always have this instinct na kausapin sila na, 'what can you tell me or what advice I can get from you in terms of acting.' Kasi I'm starting po and gathering information and building myself?,'" kwento niya.   Payo ni Ipe   Ayon kay Alden, nang makatrabaho niya si Phillip "Ipe" Salvador sa pelikulang "Ang Panday 2," tumatak sa isip niya ang sinabi ng batikang aktor tungkol sa dedikasyon sa kanilang karera. "I talked to him and doon niya sinabi sa'kin na, 'Alden I know, alam ko mahirap mag-artista kasi  inaabot tayo na mag-taping ng (alanganin) anong oras na. Pero hindi excuse 'yon para hindi mo mabigyan ng justice ang eksena,'" pag-alaala ni Alden.   Mayroon din umanong insidente kung saan nagalit sa kanya si Ipe dahil hindi umaayon ang kanyang mata sa kinunang eksena dahil kagigising lang niya.   Ayon kay Alden, ipinaunawa sa kanya ni Ipe na kailangang mahalin niya at hindi dapat pabayaan ang kanilang trabaho na pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.   "So, never take it for granted and you just have to find ways to improve yourself," dagdag ng batang aktor.   Seryosong Tita Nova   "Sa kanya ako natuto na magpray before scenes," patungkol ni Alden sa veteran comedienne na si Nova Villa.   "Before scenes na intense especially crying scenes.  Kasi 'yon talaga yung phobias ko before— I was always afraid to cry kasi I feel na I can't do it. Yong spiritual guidance or aspect nakuha ko kay Tita Nova," kwento niya.   Aral mula kay Ms. Gloria Romero   Isa sa mga tinitingala at iginagalang ni Alden na haligi ng Philippine showbiz ay si Gloria Romero, na nagbigay naman sa kanya ng payo para maging mahusay sa karakter na gagampanan.   "When I talked to her, doon tumatak talaga sa'kin na you should really know your memories. You should have a clear choice of who's gonna be in your mind during a scene," pagbahagi ni Alden.    Ang mga nangyari sa personal na buhay ay nakatutulong daw bilang motibasyon sa karakter na kanyang gagampanan sa proyekto. Ngunit madalas din daw na sa mismong karakter na siya humuhugot ng motibasyon.   "Sometimes, ako I incorporate the scene with what's happening to the character pero it really helps if you think of something outside of it like personal experience or something that happened to you in real life," aniya.   "But most of the time, I just relate to the character kasi hindi mo kailangan mag-overthink, hindi mo kailangan isipin kung anong nangyari sa'yo kasi it's more of him. Isipin mo saan siya nanggaling, anong nangyari sa kanya," paliwanag pa ni Alden.
  Dream Role    Kahit isa na si Alden sa mga Kapulo leading man, sinabi nito na nais din niyang gumanap bilang isang kontrabida.   "I want to do an antagonist role na may lines kasi I haven't seen myself in doing roles like that.  Siguro hindi ko pa naranasan yung sarili ko na magbitaw ng hurtful words with my co-actors," pahayag niya.   Isang psychotic character ang itinuturing isa sa mga dream kontrabida role ni Alden.   "Siguro hurtful words na medyo light pero not to the point na ang tingin nila sa'kin na is kontrabida. Siguro at some point of my career, gusto ko kontrabida naman," patuloy pa niya.   Big Action Stars   Bukod sa pagiging lead star, masuwerte rin si Alden dahil siya ang napipili ng ilang kilalang action stars na maging young version nila.   Sa epicseryeng "Indio," si Alden ang gumanap bilang binatang version ni "Malaya," ang karakter na ginampanan ng tinaguriang Titanic action star na si Sen. Bong Revilla Jr.   "It's an honor for me kasi sometimes since yung mga pino-portray ko are bigger stars and talagang someone who had been in the industry for so long— it's an honor for me," pahayag ng aktor.   Dagdag na kasiyahan din kay Alden na malaman na pumapayag ang mga action star na siya ang gaganap na mas batang bersiyon nila.   "Hindi madali kasi it's a working progress kasi you have to be different when you're portraying someone when they were young, " sambit niya.   Ngayong Disyembre, mapapanood naman si Alden bilang batang Robin Padilla sa Metro Manila Film Festival entry movie na na "10,000 Oras."   Ano naman kaya ang inaasahan niya kapag nakatrabaho na ang aktor na minsang binansagang "Bad Boy" na si Robin?   "Gusto kong marinig yung words of wisdom niya when it comes to acting," ayon kay Alden.
  Mundo Mo'y Akin   Napapanood ngayon si Alden sa primetime drama series na "Mundo Mo'y Akin" kung saan katambal niya sina Louise delos Reyes at Lauren Young.   At ngayong malapit na ang pagtatapos ng naturang serye, ano naman kaya ang magiging takbo ng karakter niya na si Jerome?   "Siguro very simple lang. It's not a complicated ending for Jerome— it's just a matter of choice kung sinong pipiliin niya between kay Darlene and Marilyn. The complicated part is between the character of Darlene and Marilyn kasi," pagtukoy niya sa karakter nina Loiuse at Lauren.   Kwento pa ni Alden, tulad ng kanyang karakter na Tisoy sa "One True Love," kapupulutan din ng aral ang karakter niyang si Jerome.   "I always learn something from my characters like my previous role kay Tisoy.  And Jerome is not so different from Tisoy pero the thing is, Jerome's stern, not that vulnerable or that sensitive," aniya.   Patuloy niya, "Very manly lang siya, hindi siya iyakin ang he always see things in a [positive way] pero sometimes things don't happen the way he wants it. He just have to learn to deal with it and overcome it."   Napapanood ang "Mundo Mo'y Akin" mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng "Anna KareNina."   Regalo sa sarili   Kuwento ni Alden, mahilig siyang mangolekta ng laruang robot noong bata pa siya.  Pero nagbago na raw ngayon ang kanyang hilig at nais kolektahin.   "Ngayon, I'm more focused on watches. That's some kind of a reward for me whenever I buy watches for myself. Since I work hard for this, siguro at least once a year I have a new watch," pagbahagi niya.   Plano rin niyang magtayo ng small apartment o isang food franchise para may mapuntahan ang mga kinikita niya sa show business.   "Just so my money would generate. Kasi ang hirap naman na I'm just relying sa show business na we know naman na everything is not stable so, you have to come up of something like a fall back," paliwanag ni Alden.   Sa ngayon, lubos ang pasasalamat ni Alden sa ginagawang pag-alaga sa kanya ng GMA dahil hindi umano siya pinababayaan sa mga proyekto.   "Hindi nila ako pinapabayaan. They always make it to a point na bigyan ako ng role na fit for my branding," sambit nito.   "I can feel the care and I can feel na GMA really loves me because of what they're giving to me. That's why I'm doing my job na I wanna give justice to them and I don't wanna let them down," dagdag pa niya.   Patuloy pa ni Alden, susuklian niya ng katapatan ang kabutihan sa kanya ng network. -- Mac Macapendeg/FRJimenez, GMA News
LOADING CONTENT