ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Chicser,' gusto ring sumabak sa acting


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bukod sa pagsasayaw at pagkanta, nais din daw subukan ng all-male teen group na "Chicser" ang acting.  Sino naman kaya sa mga Kapuso actress ang nais nilang makasama sa proyekto? Sa ulat ni Cata Tibayan sa "Chika Minute" ng 24 Oras nitong Biyernes, sinabi nito na naging matagumpay ang album launch at meet-and-greet na ginawa ng grupo sa isang mall sa Quezon City. Sa dami ng kanilang fans na nagtungo sa venue, masasabing malayo na ang narating ng grupo na unang nakilala sa Youtube. Ikinuwento ng grupo na binubuo nina Ullyses Webb Basa, Biboy Cabingon, magkapatid na Oliver at Owy Posadas, Clarence Villafuerte,  at Ranz Kyle Ongsee -- na gagawa rin sila ng music video. Parangap din daw ng grupo na sumabak sa acting at nais nilang makasama sina Marian Rivera, Sam Pinto, Bea Binene at Joyce Ching. -- FRJ, GMA News

Tags: chicser