ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Carla Abellana, sumabak sa sexy but classy photo shoot
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sumabak sa isang sexy but classy photo shoot para sa isang babasahin ang Kapuso actress na si Carla Abellana, na mas kilala ngayon bilang si Lally sa hit primetime series na My Husband's Lover. Sa "Chika Minute" ng GMA news 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing nagpakita ng kanyang sexy side si Carla sa photo shoot ng PhilStar Supreme. Sexy but classy ang dating ni Carla ang backless dress na plunging neckline pa. Sa artikulo, ikinuwento ni Carla na mas confident na siya ngayon at nag-grow na rin bilang aktres. Kaya naman hindi daw siya nagdalawang isip nang ialok sa kanya ang role ni Lally sa My Husband's Lover. Ipinangako pa ni Carla sa kanyang mga tagasuporta na mas marami pa umano siyang surpresa para sa kanila. - FRJ, GMA News
Tags: carlaabellana,
More Videos
Most Popular