ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mga kalahok sa Super Sireyna, naghahanda na sa grand finals


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Walong naggagandahang kalahok ang magpapasiklaban para sa titulong Super Sireyna Queen of Queens sa gaganaping grand finals ngayong Sabado sa longest running noontime show na "Eat Bulaga!".

Ang Super Sireyna ay isang transgender beauty pageant sa telebsiyon kung saan ang walong finalists ay nakabatay ang ganda sa mga kahawig na artista.

Sa Sabado, maglalaban sa naturang titulo sina "Cristine Reyes," "Marian Rivera," "Georgina Wilson," "Jennylyn Mercado," "Carla Abellana," "Bangs Garcia," "Heart Evangelista," at "Kim Chiu."



Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Miyerkules, sinubok na ng mga panauhin ang pagkakaroon ng "grace under pressure" ng mga Super Sireyna sa isinagawang live speed press conference nitong Tuesday at Wednesday episode ng Eat Bulaga!.

Gayundin, bukod sa talino ay marami pa raw ipapakita ang mga kalahok tulad nang inihandang mga pasabog sa kanilang performance sa talent portion at mga engrandeng costume.

Ayon pa kay Super Sireyna Carla Abellana, "Lahat po ng talent namin... bonggang bongga at puro bago po ang makikita niyo sa grand finals."

At dahil hindi naging madali ang pinagdaanan nilang pagsubok upang makaabot sa grand finals, nagbigay ng mensahe nag walong kalahok na humahanga sa kanila: "If you have it, show it. Mamatay sila sa inggit." — Mac Macapendeg/KBK, GMA News